Please be informed that this BLOG is going to be in private soon and can only be accessible through google acct login. To get an invitaton and maintain your access, visit www.pogay-chat.com and and look for the instructions located at the top of chatbox area.


TLB TOTAL CURRENT FUND FROM
DONATION AND SPONSORSHIP
= Php 19,579.00

Recent Donation received
ostende = 1,000.00
Ken Lopez = 1,000.00
Alexkeanru = 2,000.00
Alexkeanru = 4,066.00
******= ******
Remaining bal. from last GEB
sponsorship = Php 11,513.00

PLEDGES SPONSORSHIP FOR SUMMER GEB.

Mod Ostende
jejjay
Staff ARC
Smartine
Mod Shalaley
Vier
Mogi123/Gareth
Novideo09/Darylswag
To those members who are capable or in a good financial status, your help and donation just to make this Summer GEB possible will be highly appreciated ..
Recent Post

LIHIM NG ISANG PANGIT


Author: enamorado32

Sa mundong ito dapat lahat ng bagay ay maganda, lahat ng gagawin natin dapat maganda, ugali din natin dapat maganda, ngunit pati ba istura ng tao ay dapat maganda? Ang bagay na meron ka na hindi maganda ay ating pinapalitan, ang hindi magandang ugali ay kinaka-ayawan, ngunit ang hindi magandang mukha ano kaya ang ginagawa sa kanila? Hmmmmm......

IT ALL STARTED WITH U part 2


Author: enamorado32

Iyuri: pero aminin mo, mahal mo pa s'ya 'di ba?

Ako: 'di na uy! Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, sa tingin mo mahal ko pa din siya hanggang ngayon? Atsaka limang taon na 'yun baka nga isang malaking pamilya na sila eh.

Iyuri: ok sabi mo eh. Bilisan mo na mahuhuli na tayo sa flight natin.

Ako: ( walang imik )

Iyuri: Alduce, ayos ka lang ba?

IT ALL STARTED WITH U


Author: enamorado32

Ako si Alduce, masayahin at palakaibigang tao. Mahilig ako kumanta dahil musika ang aking hilig. Ikalawa at bunso ako sa aming dalawang magkapatid. Lumaki ako sa may-kaya ngunit hindi buong pamilya. Nasa sinapupunan palang ako ng aking ina ng mangibang bansa ang aking ama upang doon magtrabaho. Minsan lang sa limang taon kung umuwi ng bansa ito, tanging si ina lamang ang aming kasama at nagpalaki sa amin ni ate, ngunit bihira lang din namin makita sa buong araw si ina dahil busy din siya sa pagpapalago ng aming negosyo. Bagamat busy sa aming business ang aming ina, naibibigay naman niya ang materyal na bagay na hingin namin. Laki ako sa luho, lahat ng magustuhan ko madali ni mommy binibigay, aniya doon na lamang daw siya makakabawi sa oras na kulang niya sa amin. Kahit ganoon ang aming sitwasyon, hindi naman ako nagkaroon ng tampo o hinanakit sa aming mga magulang.

ISANG BOTENG GIN


Author : bebmoko

Ang pag mamahal minsan ko ng pinag laruan, minsan ko ng binalewala at minsan ko ng kinalimutan.  Sa murang isip ko pa lamang tumatak na sa akin ang tunay na anyo ng buhay, ang tunay kulay nito.  Malabo at madilim.  “Pu#@$% mo! Lumayas ka dito batugan ka hayup!” bungad ng aleng payat na hinahabol ang asawang animo ay kagagaling lang sa inuman. “Tang$#%^#@ mo letse kang bata ka! Maligo ka na at pumasok magtatambay ka nanaman sa bilyaran!” sigaw naman ng ina sa anak na nag bibihis papasok sa pampublikong paaralan.  Me umiihi sa poste, batang naglalaro sa sariling dumi at mga daga at ipis na animoy namamasyal sa Manila Zoo.  Yan ang aking mundo, ang eksena sa lugar na kinalakihan ko, ang squatter….

CHOKOLATE ( ANG PAGBABALIK ) part 2


Author: nadkid

December 2013

""""Yaya! Pahanda po ako ng pagkain..."""" pagod na pagod na pagsasalita galing sa basketball. Pagkatapos ko pumunta sa kusina para uminom ng tubig, ay umakyat na ako para maligo.

Nang maka akyat na ako, binubuksan ko yung pinto pero ito'y naka lock, dahil na rin sa pagod, at inis dahil talo sa laro... sumigaw ako """"Yaya! Susi po!"""" Agad namang kinuha ni ate rose(yaya) yung susi. Bumaba ako para kunin sa yaya ko yung susi, nang nakita ko na parang ang weird niya, tahimik, na nakangiti.

""""Yaya, okay ka lang ba?"""" Tanong ko. """"Oo okay lang ako, nagluto na si--- este nagluto na ako ng pagkain para sa inyo. Mamaya pa dadating ang mama at papa mo. Ang mga kuya mo naman ay mag oovernight sa kanilang barkada, kakatawag lang nila kanina"""" sabi naman ni yaya... ""Sino yung nagluluto ngayon?"" Nagtataka... """"Ako yung nagluluto, sige sige, maligo ka na, at baka nasunog na ang niluluto ko."""" Sambit naman niya. """"Ahh ganun po ba, sige ho at ako'y maliligo muna at bababa na rin para kumain."""" Tugon ko naman.

Umakyat na ako, sinubukan ko ulit buksan yung pinto. Kinabahan ako, dahil hindi na siya lock. Hawak ko pa rin yung susi, nanginginig ang aking mga kamay... nang pag kabukas...
""""aaaahhh!!! P*ta! Lance? Ikaw ba yan?""""

Nagulat ako nun, at naibato ko yung susi sa mukha niya, nakaluhod siya nun kaya mukha ang natamaan ko. Gulat na gulat, kabadong kabado at natahimik nalang ako bigla nang mga sandaling iyon.

Ayun na nga, dahil sa pag kakabato ko, natamaan ko yung kanang mata niya, kaya lumapit ako, nag aalala. Habang kinakamot niya yung mata niya, na nakayuko... Hinawakan ko mukha niya, hinarap ko sa akin...

A: Ikaw nga!!!!

Oo nga, si lance nga, mas napagmasdan ko yung mukha niya nang malapitan... Mas maputi, mas tumangkad, at mas gumanda ang pangangatawan na parang model at isang artista.

L: Oo, ako nga kidd, musta ka na? Miss na kita!
*Sabay yakap*

A: Sorry talaga kuya! Nabigla lang ako kanina! Ok ka na ba?

L: Oo, medyo makati lang, pero ok na ako, wag ka mag alala.

A: Namiss talaga kita kuya!!!!
*Mas mahigpit na yakap, at parang mapapaiyak ako sa tuwa*

L: Wag ka iiyak kidd! Hahaha! Yan ba ang isasalubong mo sa akin? Haha. Biro lang..."" 
*Pilit kong hindi mapaluha pero hindi talaga kaya*

Aaminin ko po talaga, sino ba naman kasi ang hindi matutuwa na makita mo ulit yung taong nagbago ng buhay mo. Diba?
Back to the story... 

Naramdaman ko nalang bigla ang isang mariin at swabeng swabeng mga halik galing sa kanya... """"Sabi kong wag kang iiyak ehh! Hahaha! Tahan na kidd, andito na ulit ako, eto chokolate, haha, hindi ko talaga makakalimuntang ibigay yan sayo""""
""""Salamat kuya"""" sabi ko naman. *sabay halik sa pisngi niya*

Nahiya ako bigla nang maisip ko na pawisan ako galing sa basketball. Tumayo siya, at tinulungan din akong tumayo. Sabi ko nalang na ako'y maliligo muna at siya'y bumaba na, para kumain.

Pag katapos ko maligo, mag toothbrush, mag deodorant at mag bihis ay bumaba na ako, daig ko pa ang aso sa sobrang excited makita ang amo niya. Ayun nga mabilis akong bumaba ng hagdan, pero bigla akong napatigil at bumagal sa aking pag lalakad... """"Nad! Kamusta ka na? Lance! Tara na kain na tayong tatlo. Masarap pa naman ng aking luto. Gusto ko kayong mga anak ko ang unang maka tikim dito."""" Yun ang nag pa bigla sa akin, ang tinig ng mama niya. Una'y akala ko, masungit ang mama niya, pero hindi pala...

Habang nasa hapagkainan, nagkamustahan muna kami... Dun ko nalaman na ipagpapatuloy ni lance ang pag aaral niya dito sa pinas, mag aaral siya kung saan principal ang tita niya. At dito siya gragraduate... Nalaman ko din na kaya pala sila bumalik dito sa pinas, ay dahil sa tatay niyang, lasinggero, sugarol, at nambubugbog. Nabanggit din ng mama niya na, tawagin ko nalang daw siyang 'tita' dahil parang anak na din daw ang turing niya sa akin. Hindi daw siya tutol sa ugnayan namin ni lance dati, bagkus, ay tanggap pa rin niya kami dahil yun daw ang tama at wala na siyang magagawa kahit pag balik baliktarin man ang mundo. Lawyer nga pala ang mama niya, payag siya sa ""gender equality"" sa US at sana daw matupad iyon dito sa pinas... Namana siguro ni lance ang katalinuhan niya sa mama niya. Ayaw lang ng mama niya, ng nag sisikreto sa kanya. Napakasaya palang kausap ng mama niya, parang barkada lang. Haha. Pero ganun ka gaan ang pakiramdam ko sa kanya nang mga oras na iyon...

Maya maya ay dumating na sila mama at papa, nagkita nanaman ang magkumare kaya tuwang tuwa nanaman ang isa't isa nang magkita. Napagalaman ko din na dito daw matutulog sila lance pati si tita sa bahay. May halong SAYA at HIYA ang aking nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Umakyat ako ng kwarto nang naka ngiti, binuksan ko yung pinto nang nakangiti, at himiga ako nang nakangiti, nag palundag lundag ako sa kama sa sobrang saya na parang nababaliw.

Natahimik ako nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako agad, at pinag buksan ang kumakatok...

A: Oh! Kuya lance, mali ka ata ng napuntahan mong kwarto, sa dulo pa yun...
*Medyo na stuck pa ang mga todo ngiti ko simula kanina*

L: Oh, kidd. Uhmmmm. Ahhhhh. Gusto ko lang talaga magsabi ng goodnight sayo...
*Medyo awkward*

A: Ahh... Ganun ba? Hehe, ok, goodnight din kuya.

L: Nga pala, bakit kanina ka pa todo ngiti? Haha.

A: Hindi ahh.... Masaya lang talaga ako... ikaw din naman ehhh...

L: Ahhh. Hahaha. Sige goodnight na nga kidd.
*Sabay halik sa noo ko*

Halatang halata din kay lance yung ngiti niya kanina pa, dahil pinagmamasdan ko siya nun... Nag toothbrush ako bago matulog... pagkatapos ay diretso higa na ako sa kama, pilit kong pinapatulog ang sarili ko dahil sa pagod, pero hindi ako makatulog.

Lumipas ang mga minuto... Oras...

""""10:00PM na, matulog ka na kidd..."""" sambit ko sa sarili ko pagkatapos tumingin sa orasan.

Lumipas ang minuto, may narinig akong kumatok at pumasok sa kwarto ko, tumayo ako sa pag kaka higa at nakita ko si lance, may dalang unan...

A: Oh! Kuya! Bakit? Ano kailangan mo? Kailangan mo ba ng kumot? Unan? Ano?
*tuloy tuloy na tanong ko sa kanya*

L: Haha easy ka lang kidd...
*Sabay hawak sa buhok ko at ginulo na parang bata*

L: Mag isa kasi ako sa kwarto ehh, di ako makatulog, nasa baba pa si mama, nakikipag kwentuhan pa ata sa mama mo. Pwede bang dito nalang ako matulog?

A: OO NAMAN! *agad agad kongs sinabi* Este, pwede naman... pero paano mama mo?

L: Okay lang siya dun, nga pala, bakit namumula ka?

A: Ha? Hindi ahh hindi kaya... Eto talaga, yan lagi panlaban mo sa akin ehh.

L: Hahaha. Binibiro lang kita
*Sabay akbay*

Humiga na rin kami sa kama, nahihiya, pero sobrang saya, katabi ko siya sa kama. Matutulog kaming mag katabi. Hahaha. Kakilig... 

Hinalikan niya yung noo ko ""Goodnight ulit kidd"" ""Goodnight din kuya"" Tumalikod na ako sa kanya, nang bigla akong may naramdamang yakap galing sa likod ko... sino pa ba, edi si kuya lance na sobrang kulit pero sweet. Nakatulog na din ako sa wakas. Mahimbing ang pag kakatulog ko nang mga oras na iyon...

Gusto ko po talaga magpasalamat sa lahat ng nag comment at mag cocomment sa aking kwento... Na aapreciate ko po yung mga sinasabi niyo...
Abangan niyo po yung susunod na kwento... at sana po magustuhan niyo po ito at sa mga susunod na kwento... Salamat po ulit...
-nadkidd"

ESTOY ENAMORADO ( I'm In Love ) part 2


Author: enamorado32

Bata pa lang ako pakiramdam ko celebrity na ako, paano ba naman andon 'yung pagkakatuwaan ka ng mga tao sa paligid mo.... Dahil isa akong batang mataba, maya-maya pisilin ang pisngi ko, kurot-kurutin ang bewang at yakapin na parang Tedy bear. Halos lahat ata ng makasalubong ko noon gusto pisilin ang pisngi ko. Tawag nga sa akin noong bata ako ay "papa bear" eh papa dahil pangalan ko ay Pope at bear naman kasi mukha daw akong Tedy bear.

BEKILYN ( A Beki Figure )


Author: enamorado32

Ayon sa bibliya, nang ginawa ang lalaki ay humugot pa ang Diyos sa tadyang ni Adan para magkaroon ito na makakasama, isang babae at ito nga ay si Eva. Sabi nila tanging lalaki at babae lamang ang nilikha ng Dyos. Ginawa ang lalaki para tagapag taguyod ng kanyang magiging pamilya at ang babae naman ay ginawa upang magdala ng magiging supling nila sa kanyang sinapupunan. Paano kung hindi lang pala sina Eva at Adan ang nilkha kundi may isa pang Bekilyn ang lumitaw? Ano kaya magiging papel ni Bekilyn sa mundo? Ako si Gigi at ito ang tunay na kwento ng aking kaibigang isang beki figure na si Lyndo.

ESTOY ENAMORADO ( I'm In Love )


Author: enamorado32

Ako si DINORADO AMORSOLO, baho ng pangalan ko no? Pero pwede n'yo naman akong tawaging Dindo pero ang tawag sa amin dito ay Ding. Ito ang aking diary, ang baduy ko no? Walang pakialamanan, kanya-kanyang trip yan Hehhee . Lumaki akong walang magulang tanging yung umampon lang sa akin ang nagpalaki sa akin. Ako ay kasalukuyang nasa kolehiyo at kumukuha ng kursong electrical engineering sa isang unibersidad sa Maynila bilang skolar. Mahirap lang buhay ko. sa

LONG DISTANCE FRIENDSHIP ( LDF )


Author: bebmoko

“A friend is one who knows you and loves you just the same” --- Elbert Hubbard

“Mokong musta na? Ano na balita sau? Di ka nag online kahapon?” Sunod sunod na tanong ni Mike sa kaibigang si Dan. “Loko ka talaga di ka man lang nag IM”, palibhasa magkalayo sila ng lugar bihira makapag usap lagi lang dinadaan sa IM o Skype, nasa Pilipinas si Mike at nasa Italy namna si Dan. “Hahaha ok lang ako, Adik.  Medyo busy lang sa trabaho. Alam mo naman kailangan kumita ng pera.” Sagot naman ni Dan…. 

ANDIMAR


Author: bebmoko

 Minsan din a natin malalaman kung ano ba talaga ang nakalaan sa atin, may mga bagay na ginusto natin o nakasanayan natin na yung pala e hind para sa atin.  Mga taong ang akala natin ay kilala natin, yun pala eh hindi pa rin.  Mga bagay ba akala nating mag papasaya sa atin pero pag nakuha mo na hindi rin pala.  Tulad ko… akala ko kilala ko sarili ko, akala ko ako yung ako, minsan din pala merong pag kakataon o tao na makakapag pabago ng boung buhay mo, ng boung pagkatao mo, sko si Mar at ito ang aking kwento….

Lumaki ng simple sa maliit na baranggay ng Quezon province, munting pangarap na makapag tapos at magka pamilya.  Simpleng buhay lang ang iminulat sa akin ng aking mga magulang, kami ng apat ko pang kapatid.  Bilang panganay na-atang sa akin ang mga gawaing pang bukid at pagtulong sa aking ama.  Mahirap man pero masaya, yan ang kinalakihan ko, ang naging lakas ng aking pagkatao upang mangarap na marating ang aking mga pangarap.  Naka polong kupas at pantalong bitin ang aking uniporme, dahil na rin sa pag titipid at kakapusan sa budget ng aking pamilya, pero hindi mo naman mai-aalis ang taglay kong itsura, sabihin ng bilad at banat ang buto sa pag tatrabaho sa bukid, di ko pa rin napapabayaan ang aking kalusugan.  Matipunong katawan, morenong kulay at medyo ka gwapuhang mukha, yan lang naman aking pisikal na anyo.  Ako ang isa sa tinagurian Mr. School Crush, palibhasa'y medyo nahahawig sa mga sikat na artista kaya nagiging tampulan ng biru ng mga kababaihan kahit sa mga ikatlong lahi.  

 Lunes, unang araw ng pasukan ng isa nanaman pag kahaba-habang linggo, pagkahabahabang lakarin papasok at pauwi ng aming bahay at pagkahahaba habang oras nanamna ng pag titiis ng gutom dahil ka kakaunting baon at pagtitipid ng perang pinaghirapan ng aking mga magulang.  Yan ang aking araw-araw na eksana sa eskwelahan.  Sa unang araw ng linggong din na yun, di ko akalain dun ko pa pala makikilala si Andi, bagong lipat galing sa Maynila,  kaedad ko lang pero mukhang mayaman Dahil sa kakaibang kutis na taglay; maputi at makinis, hindi maitutulad sa kutis na babad sa araw.  Nagpakilala sya sa boung klase at dahil sa by-partner ang ginawa ng aming titser, hindi ko alam kung swerte ba ako o malas na sa akin sya ipinareha.  Buong araw akong nagging isang tourist guide nya, tutor, alalay at sekretarya he he he he- bilang pag salubong sa kanya sa aming paaralan.  Mabait naman sya tahimik, minsan nga may mga oras walang umiimik sa pagitan naming dalawa, nag papakiramdaman nag papaunahan kung sino una magsasalita, ganun ang unang eksena ng aming unang pag kikita.  Natuwa ako pero naguluhan, Masaya pero nag tataka, naalala sya pero bakit?  Ng umuwi na kami, dala ko pa rin ang tanong sa aking isip, “Ano yun? Bakit ganun? Inggit lang ba ako sa kanya o talagang mabait sya?” Yan ang tumatakbo sa aking isip na di ko mamalayang may paparating na palang sasakayan sa aking dinaraanan, muntik na akong mahagip buti na lang ang nag sigawan mga kasabay ko sa pag lalakad.  Akala ko mamamatay na ako… ng dahil sa kanya… ng dahil kay Andi?? Ha?? Bakit?? “Wala ito!” ang sabi ko na lang sa aking sarili. Di ako pinatulog ng gabing yun, halos kaliwa't-kanan ang paling ko sa aking higaan.  Makailang beses nag dasal, uminum ng tubig at umihi.  “Teka lalaki ako, bakit si Andi pa? Bakit sya pa?”.

 Umaga sa eskwela, inaantok ako sa simula ng klase palibhasa ka partner ko si Andi, sya ang aking katabi.  Alam ko pansin nya ang puyat ko, maya't mayang hikab at mapupungay na mga mata. Hanggang di ko namalayang napaidlip ako, napapikit ang aking mga mata.  Nagising na lang ako sa bagksak ng notebook ni Andi.  Papungay pungay “buti na lang di ako napansin ni mam” bigkas ko sa aking sarili.  Di ko alam kung anong meron ako ngayong araw na ito; puyat lang ba ako o umiiwas sa kanya.  Sa oras ng recess, sa field ako kumain hindi sa canteen, tutal alam na naman n'ya ang canteen, na-ipasyal ko na sya kahapon dun. Hanggang uwian hindi ko rin sya nakasabay palabas ng gate o kahit sa pag lalakad.  “Ah mabuti na un, makakatulog na din ako ng maaga”.  Pero ganun pa rin, tulad ng dati,  baling dito baling doon, inum tubig at maya't-mayang ihi. “Hayysss sino ka ba Andi? Ano ka ba sa buhay ko?” wika ko sa sarili ko. 
 Ganun at ganun ang eksena ko araw-araw sa eskwela pag kasama s'ya, normal lang casual na usapan pero pag wala pilit-iwas, pilit-layo.  Ang akala nga ng iba kaya di kami nag sasama lagi eh dahil mag kalaban kami sa pagwapuhan sa paaralan.  “Pero hindi eh, iba ang magkalaban.  Ang dating kung buhay na pag aantay sa oras dahil sa pag ka haba-habang lakarin at pag kahaba-habang oras ng pag aaral ay nabago, naging mabilis at maiksi, para bang pinast forward mo: ganun. Ang araw at buong linggo ay lumipas ng ganun lang, mahirap lang, pakiramdam mo ikaw lang ung nabibilisan, na sana dahan-dahan lang kasi parang sa sborang bilis nito; nakakalito, nakaka gulo ng utak.  Dahil di mo malaman kung bakit kung ano ba ang totoo sayo.  Oo, iba sya, pero mas iba ka dahil di lang sa katayuan ng buhay mo pero imposible na mangyari ang gusto mo.  “Pucha, di ko sya pwedeng mahalin!” tanging nasabi ko na lang sa sarili ko.  “Bakla ako?” tanong ko na di ko masagot, tanong ko na pilit kong iniiwasan.  Hindi pwede dahil ang alam ko pag bakla ako, wala akong mararating, kukutsyain ako ng iba, mahihirapan ako sa buhay, “hindi pwede to” tanging sumbat ko sa sarili ko. Patuloy ang pag iwas ko sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit patuloy ang aming pag lalapit at aming pag kikita, nahihirapan ako, naguguluhan.  

 Senior prom, dahil sa nalalapit na aming pag graduate ng high school, kami ng mga opisyales ng 4th year ang naatasang mag ayos ng gaming court bilang lugar ng pagdarausan ng prom. At dahil isa ako sa opisyales kasama ako pero ang masahirap, kasama din pala ang ibang leader ng student org. at isa dun si Andi.  Palibhasa matagal na kami magkakilala, sanay na sya na lumapit at batiin ako lagi.  Ako lang minsan ang umiiwas.  Nag bibiruan kami pero ako minsan ang tumatahimik.  Ewan ko ba, pero ng araw na yun, di ko alam kung masaya ba dapat ako? o umiwas na lang.  Palagi sya sumusunod sa akin, nakikipag kulitan, nang aasar,  siguro dahil malapit na graduation o dahil excited sa prom date nya at sa sayawan “Siguro nga!”.  Nauna akong umuwi dahil sa malayo pa aking lalakarin, humabol sya. Nasa labas na ako ng court noon, sa pag habol nya, patakbo sa kinaroonan ko biglang hinawakan kamay ko “Uuwi ka na ba Mar?”, nasa ganun sitwasyon kami ng bigla akong natauhan.  Sabay bawi ng kamay ko.  “OO ano ba pakialam mo?” nasabi ko na lang di ko alam ba't napasigaw ako, dahil ba sa inis dahil hinawakan nya kamay ko? o dahil ba sa kaba dahil baka malaman nya na mahal ko na sya? Ewan basta alam ko aalis na ako.  “O ba't ang sungit mo, tagal na nating mag kakilala pero ni minsan di mo ako tinuring na barkada?” sabi na lang nya. “gago!” pabirung pagalit na lang na sinabi ko. “Di kita kaibigan dahil kelan man di kita ituturing na kaibigan, dahil ang totoo mahal na kita, mali man pero mahal kita!” ang nasabi ko na lang sa sarili ko. Tuluyan na akong lumakad ayaw kong ipahalata sa kanya ang aking reaksyon, ang hirap pala, ang sakit din pala.  ""Paano kita maiiaalis sa isip ko? Sa puso ko? Sana sa pag tatapos natin, mawala ka na rin sa isip ko.  Yun na lang aantayin ko, yun na lang aasahan ko.  Dahil kung totoo man ang nararamdaman ko sayo, bakla man ako, pero di ko kayang isapalaran ang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung tulad ko, kaya mo rin akong tanggapin tulad ng pag mamahal ko"".

 Ngunit sino ba talaga c Andi? Ano ang kwento niya?........

==========================
 Minsan kahit gaano ka pa katotoo sa sarili mo, may mga taong hindi makakaunawa sayo.  Mga taong sana ay unang makaka intindi sayo pero hindi pala.  Mahirap maging iba sa ordinaryong tao, mahirap baguhin ang iyong pag katao dahil lang hindi ka nila gusto.  Pero papano kung sarili mong pamilya ang may ayaw nito susunod ka ba sa kanila o gagawin mo gusto mo? Tulad ko… kilala ko man ang aking pag katao pero hirap akong pilitin at itago ang tunay na ako.  Ako si Andi… at ito ang aking kwento…
Lumaki sa isang kilalang pamilya sa Manila, spoiled at sagana sa karangyaan sa buhay.  Palibhasa bunso sa tatlong magkakapatid.  Madaming kasambahay at halos di na kami nagkikita ng aking mommy at daddy sa bahay.  Ang mga gawaing dapat na silang gumagawa ay ipinaubaya na sa aming mga kasambahay, ni hindi ko alam ang aking gusto ang aking pangarap dahil simula pa lang nasa akin na ang lahat.  Pero kahit na ganito ang buhay ko meron pa ring kulang at mali sa pagkatao ko.  May kung anong gusto kong baguhin pero hindi maaari, may kung anong gustong lumabas sa pagkatao ko pero hindi pwede.  Maporma ako pag pumapasok sa aking dating ekwelahan, pinagkakaguluhan ng mga babae at ng mga, sabihin na nating mga bading.   Mamahaling damit at pantalon ang lagi kong sout.  Kung di nga lang ako me pusong babae, dadaigin ko pa ang mga Mr. Pogi sa aking dating.  Matangkad, Maputi at may magandang hubog na katawan, yan ang aking pisikal na katangian.  Dahil sa kumakalat na katotohanan sa aking pag katao sa aming paaralan na hindi ikinatuwa ng aking mga magulang, nag desisyon sila ilipat akong muli ng paaralan.  Sa probinsya kung saan naroroon ang aking tiyuhin.   Dahil sa hindi tanggap ng magulang ko ang kaing pagkatao mas nanaisin nilang itago ako sa mata ng mga kritiko nila.

 Lunes, unang araw ng pasukan sa bago kong eskwelahan.  Naisip ko isa na naman itong pagkahaba habang tambay sa eskwelahan, pagka haba-habang recess at pakikipag kwentuhan. Yan lang sabi ko sa aking sarili.  Pero mukhang mali ako.  Dun ko pa pala makikita ang taong pupukaw sa aking interest, si Mar. Matangkad, Moreno at gwapo din tulad ko.  Halata sa katawan na banat sa trabahong bukid.  Lalakeng lalake ang dating, takaw pansin sa iba kong kaklase.  Habang nag papakilala ako sa aming klase di ko maiwasang hindi alisin ang pagtingin ko sa kanya hanggang pag balik ko sa kinauupuan na katabi nya.  Hindi ko alam kung napansin ng aming teacher ang pag kakatingin ko kay Mar dahil bigla nyang sinabihan si Mar na kami ang magiging mag homeroom partner.  Ibig sabihin sya ang aking magiging welcoming committee sa paaralan na yun, palibhasa nga bago ako.  S'ya ang aking nagging tourist guide, tutor at alalay.  Mabait s'ya at tahimik wari mo ay umiiwas sayo.  Lagi kaming nag papakiramdaman kung sino una mag sasalita o unang kikibo.  Naguluhan ako sa kanya pero natuwa, animo’y umiiwas na hindi mo alam. Dala ko sa aking isip ang tuwa, di ko alam kung gusto ko lang s'ya o kung anuman.  Kahit alam ko na hindi pwede dahil alam ko na lalake s'ya, pilit pa rin akong napapangiti.  Hanggang sa sasakyan na sumundo sa akin, di mo mawari ang aking ngiti, na sya pa lang napansin ng aming driver “Sir mukhang ok ang unang araw ah?” , “Oo nga po manong, mukhang di ako ma bobore dito.” nasa ganun kaming usapan ng bigla s'yang napapreno ng malakas, “Manong ano po un?”,”Sir may estudyante po wala sa sarili naglalakad sa daan!”.  Dalidali kong sinilip ang aking bintana, si Mar! Tulala habang naglalakad, wari mo ay napakalalim ng iniisip, buti na lang di sya nasaktan at agad nakatabi. “Ano kaya nasa isip nya? Ano kaya problema nya?” tanong ko na lang sa aking sarili. Sanay ako natutulog ng gabi na pero sa pagkakataong ito iba, di maalis sa isip ko si Mar, sino sya? Ano meron sa kanya?, pabaling baling ako sa aking higaan, nariyang babangon para uminum ng gatas, nariyang iihi. “Ano ako in love? Kay Mar?” tanong ko na lang sa sarili ko.  Na kahit balibaliktarin ko ang mundo hindi maari dahil mag kaiba kami, lalake sya at bakla ako.

 Umaga, sa eskwela, kahit kulang sa tulog ng nakaraang gabi di ako antukin sa umaga palibhasa sanay sa puyat.  Pero si Mar mukhang pagod at puyat, siguro dahil sa mga gawaing bukid kaya ganun sya.  Napansin ko ang unti-unting pag bagsak ng kanyang ulo, agad kong inalalayan papunta sa aking balikat para maka palig sya ng maayos.  Ramdam ko ang kanyang pagod, ang kanyang hininga, di ko alam kung pipintig ba o sasabog ang aking puso sa oras na un.  Nasa ganun posisyon kami ng nakita kong patayo na na ang aming teacher, agad kong hinulog ang aking notebook para magising sya para di sya mapagalitan.  Agad syang nagising pamukat mukat tapos sabay tingin sa akin pero patay malisya naman ako na kunwari di ko alam na nakatulog sya. “Sayang, si mam kasi e! di sana matagal syang nakatoon sa balikat ko.” Sabi ko na lang sa sarili ko.  Buong araw pansin ko ang pilit na pag iwas ni Mar, inisip ko na lang baka pagod o gusto mapag-isa.  Nakita ko s'yang nag recess sa may field tipong parang malalim ang iniisip, ewan ko ba bakit parang gustong-gusto kong malaman kung ano ang iniisip nya.  Hanggang pag uwi nasa likuran lang nya ako patungo sa gate.  Masaya na ako na kahit di sya maging bahagi ng buhay ko, eh nakikita ko sya.  Masaya na ako sa ganung simpleng sitwasyon.

 Ganun ang eksena naming araw araw sa school, casual na usapan pag kasama ang grupo pero kaming dalawa lang, animo'y tahimik at bihirang makipag biruan.  Nasanay na ako sa kanya.  Ok lang basta lagi ko syang nakikita at nakakasama, masaya na ako, ok na ako.  Di na ako aasa pa ng kung ano pa man.  Dahil simula palang alam ko na na 'di n'ya ako pwedeng tanggapin pag nalaman n'ya na isa akong bakla.  Kaya kahit mahirap, kaya kong magpanggap kahit bilang kaklase n'ya o kaibigan.  Ang akala ko na pagkahaba habang oras na aking gugulin sa paaralang ito ay nagging sobrang bilis, animo ay fast forward.  Sobrang bilis parang hirap habulin.  Sana naging mabagal na lang para mas marami akong oras na kasama s'ya, mas maraming oras na nakikita sya.  Sana kaya kong i-slow motion; ang mga araw, ang mga linggo, ang mga buwan.  “Mahal ko na sya.” Yan lang ang tangi kong alam sa mga nag daang araw at linggo na kasama ko s'ya.  Mahirap man pero yun ang sabi ng puso ko, mali man pero yan ang alam ko.  Masya na ako na mahalin s'ya ng malayo, “Dahil bakla ako at hindi pwedeng maging kami”.

 Senior Ball, bilang pag hahanda sa nalalapit na senior prom naatasan kaming mga student org na makiisa sa pagaayos ng court bilang pag hahanda sa JS prom.  Kasama ako at si Mar, kahit patuloy ang kanyan pag iwas pilit akong gumagawa ng paraan para makasama sya.  Para makalapit sa kanya.  Ganun siguro ang mga katulad ko pag nagmahal.  O ganito ko lang talaga sya kagusto.  Alin man basta alam ko gusto ko s'yang Makita lagi at makasama.  Tulad ng casual na usapan, kinukulit ko sya.  Nag kukwento ako ng kung ano ano, nagtatanong, nag uusisa.  Sumasagot naman s'ya pero matipid.  Marawi ko ay nagalit o naiinis sa akin dahil sa kakulitan ko.  Nakita ko s'yang uuwi na palabas na ng court.  “Naasar ata sa akin.” Hinabol ko sya at lakas loob na hinawakan ang kanyang kamay bilang pag pigil sa kanya. “Uuwi ka nab a Mar?” ang nasabi ko na may halong kaba. Agad n'yang binawi ang kanyang kamay sa akin pag kakahawak. “Oo pakialam mo!” nasa tono ng galit o inis ang kanyang nasabi.  Kinabahan ako dahil tila may kung anong gusto s'yang sabihin sa akin, inis ba, galit o ano man. “O ba't ang sungit mo? tagal na nating mag kakilala pero ni minsan di mo ako tinuring na barkada?” ang tanging nasabi ko lang sa kanya. “Gago!” tanging narinig ko sa kanya at agad agad syang lumakad na papalayo sa court.  Naiwan ako nakatayo nasaktan, naguluhan, nagalit s'ya.  Kahit pala kaibigan di n'ya ako kayang tanggapin, di ko namalayan tumulo na pala luha ko. “Alam ko malapit na tayong mag hiwalay, sana man lang maramdaman mo kung gaano kita kamahal, sana sa darating na graduation, matupad ang mga pangarap mo at makilala mo ang tunay na mag mamahal sayo” ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

 Dumaan ang maraming taon.....
=================
“Sir Mar, yung loan approval po ng client natin sa Cebu, need na po ng signature n'yo for processing”.  Ang unang tawag na bumungad sa akin sa umaga ng Lunes sa aking opisina.  “Betty, i'll sign it up paki kuha na lang sa desk ko mamaya”. Sagot ko naman.  “Thank you sir!” malanding sagot ng aking secretary na tipong kahit tatlo na anak sa kanyang asawa ay pilit pa ring nag papacute sa akin. Naging Executive Finance Manager ako ng isang kilalang banko sa Maynila, dahil nakatapos ako ng kursong Accountancy.  Sa edad kong ito, wala pa rin akong minamahal, dahil siguro na si Andi lang ang lagi kong iniisip at laman ng puso ko.  Kumusta na kaya s'ya? Bakit hanggang ngayon s'ya pa rin yung nasa isip ko?  Kung makikita ko lang sana uli s'ya ngayon.  Baka kaya ko na, kaya kong sabihin ang laman ng puso ko, “Mahal kita Andi, mahal na mahal”.  “Sir Mar, na i-fax ko na po.  Confimred din po yung appointment n'yo tomorrow morning Kay Mr. Bernabe para ma finalized ung certain agreement details po.” Ang sagot ni Betty. “Bernabe… Mr. Bernabe?”……………………….
=================
 Nagreply na ang banko sa Maynila kung saan ako nag apply ng Loan for my business expansion, nag tayo ako ng sariling business after college.  Nagfocus ako sa export trade ng mga locally produced furniture na naging in demand sa US market.  Nung una di ako naging interesado sa Loan from banks for business expansion, kaya ko naman bukod sa pinamana sa akin, may sapat na ipon ako sa banko para sa aking negosyo.  Pero isa ang nakatawag pansin sa akin, ng una kong makita ang unang bank letter na aking natangap.  “Expecting your cooperation with our bank.  Respectfully yours, [signed] Mr. Mariano Garcia”….. Mariano Garcia??? Di ko malilimutan ang pangalan na yan….. “Mariano Garcia” sabi ng teacher naming, “Present maam” sagot naman ng aking katabi.  Hindi ba s'ya yan, kumusta na kaya sya,?  Sa sobrang curious ko tinuloy ko ang loan, at ang final meeting for agreement signing bukas…..
 Martes… nakasakay ako sa elevator, na biglang may humabol, nagmamadali.  Dalawa lang kami sa loob, at ng Makita ko ang kanyan mukha, wari mo akong nagulat, bumilis ang tibok ng aking dibdib.  Naka pang office attire sya, ibang iba ang dating.  Lalong gumwapo.  Sya ang unang nag tanong… mabilis…  “Andi? Ikaw nga Andi, Kumusta ka na? Ano nangyari sayo, san ka nakatira? Musta ang negosyo mo?” akala mo eh sabik na sabik na makita ako.  “Wala na di ko na pwede to palampasin bahala na!” ang sabi ko sa sarili ko, tulad noon agad kong hinawakan ang kamay nya, pero di na sya pumalag sa halip hinigpitan din nya ang hawak sa kamay ko.  Alam ko sa oras na yun na ramdam nya na noon pa mahal ko sya.  Di man mag salita pero sigurado ako, kahit ano ako matatanggap nya. Isang mariing halik ang aking ibinigay sa kanya. Isang napaka riing halik, sabay ng pagtibok ng aming puso. 

 Martes... pasakay ako ng elevator, nagmamadali dahil late na nakatulog. Sa loob ng elevator saka ko lang napansin na dalawa lang kaming sakay, at mawari biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib.  Naka casual shirt lang sya, maputi, gwapo.  Sya nga ang sabi ko sa sarili ko, “Andi? Ikaw nga Andi, Kumusta ka na? Ano nang yari sayo, san ka nakatira? Musta ang negosyo mo?” Sunod sunod ang tanong ko na wari ay kinakabahan sa sobrang saya na nararamdaman.  Pilit ko mang itago pero hindi na kaya ng puso ko, naramdaman ko na lang ang pag hawak nya ng kanyang kamay sa aking kamay, di ko alam pero sobra ko namiss ang taong ito.  Kung noon bumitaw ako, sigurado ngayon hindi na. Dahil tanggap ko kung ano ako at tatanggapin kung sino sya. Isang mariing halik ang aking natanggap galing kay Andi. Isang mariin na halik ng pag mamahal, ramdam ko na ito noon pa pero pilit ko lang di pinapansin.  

 Mula noong tagpo naming iyon sinunod namin ni Mar ang aming nararmdaman sa isa't-isa, naging kami, di namin pinansin ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay kasama mo ang mahal mo sa buhay, indi mahalaga ang iisipin ng ibang tao, basta kami nagmamahalan kami. Madalas nga kming tawaging Andimar eh, marahil lagi kmi magkasama saan man kmi magpunta. Masarap! Masaya! Siya ang buhay ko eh. Dito nagtatapos ang aming kwento, pero indi dito nagtatapos ang aming ppagmamahalan ha.. hehhee...
===============

 Hindi lahat ng pagmamahal ay agad agad nakukuha, may panahon din na kailangan ng pag hihintay o pag titiis.  Hindi dahil hindi pwede kung hindi dahil para din sa ating mga sarili.  Ang pag mamahal ay di lang dapat sa mahal mo, dapat ang pagmamahal at para din sayo.  Minsan hindi nating kayang magmahal kung ang sarili natin ay di natin kayang tangapin.  Marami pong salamat sana ay nagustuhan nyo ang aking maikling kwento.


LONG DISTANCE RELATIONSHIP


Author: alexkeanru

“TRUST“big word lang naman! hehehe. Bakit kaya big word? Syempre yan lang naman ang pinakaimportanting recipe upang maging matatag ang pundasyon ng isang relasyon. Pag ito’y nawasak ang hirap ng buuhin at ibalik ng taong nag bigay.

SOMEONE LIKE YOU


Author: alexkeanru

Dito sa mundong ibabaw hindi natin alam kung sino ang magmamahal satin ng tunay at ating mamahaling tunay.  Sadyang  dumadating lang yun at hindi na natin mapipili pa dependi lang sayo kung choosy ka pa  o sadyang manhid ka lang. Sa kauna-unahang   pagkakataon  di mo sukat  akalain na may pwede palang  magmahal na same sex  na higit pa sa sarili mo. Mahirap pero masarap sa feeling, mahirap lang dahil same sex kayo, masarap kasi sobrang mahal na mahal ka.

DISCLAIMER: All videos posted in this site were downloaded from other internet sources on web and were edited for a copy version of Tambayang Lonely Boys, some of these videos including embedable script are just shared and submitted by regular viewers and visitors through email. We do not claim copyrighted ownership on this. If you are concerned about copyrighted material appearing in this website, we suggest that you contact the Site Administrator to have it remove from here.

All the stories Posted in this site are made by TLB resident blog authors while some are made by individuals who shared the same experiences. Some of the stories posted on this site are fictional and some are based on real life experiences. We don’t own any of the stories unless specified . This is intended for entertainment purpose only.

Widget by : All Blogging Tips
MAIN/THIS SITE LINK WWW.TAMBAYANGLONELYBOYS.COM 
OUR VIDEO SITE LINK WWW.TAMBAYANGLONELYBOYS.NET 
PURELY CHATROOM SITE LINK WWW.POGAY-CHAT.COM

CHAT ROOM

 
BLOG ADMINISTRATORS : POLCalifornia | Loverbench
Copyright © 2014. TLB - All Rights Reserved
Website Owner/Tech. Admin.: REGIE
Template Created by TLB Tech. Group Published by TLB Proudly powered by Blogger