TLB TOTAL CURRENT FUND FROM
DONATION AND SPONSORSHIP
= Php 22,979.00

Recent Donation received
ostende = 1,000.00
Ken Lopez = 1,000.00
Alexkeanru = 2,000.00
Sir PRADA = 4,066.00
DOC Rome = 3,400.00
******= ******
Remaining bal. from last GEB
sponsorship = Php 11,513.00

PLEDGES SPONSORSHIP FOR SUMMER GEB.

Mod Ostende
jejjay
Staff ARC
Smartine
Mod Shalaley
Vier
Mogi123/Gareth
Novideo09/Darylswag
To those members who are capable or in a good financial status, your help and donation just to make this Summer GEB possible will be highly appreciated ..
 Click here! to redirect to our main blog  Click here! to redirect to our video blog  Click here! to redirect to our purely chat page   
Recent Post

A RELATIONSHIP TIED WITH RED RIBBON


Author: enamorado32 

Maingay, madilim, magulo at madaming tao ang tanging paglalarawan ko sa loob ng isang establisyementong ito. Wala kang ibang gagawin kun'di ang makipagkilala sa ibang tao, magsaya at magpakalasing. Makikipagtitigan, makikipagkilala at pagkatapos magkukuhaan ng number ng cellphone, 'yan ang tanging gawain ko sa loob ng establisyementong ito. Ako si Xian at ito ang aking kwento.

THE LAST TEARDROP FALLS -It All Started With U finale



Author: enamorado32

Danna: hindi ba talaga sinabi sa'yo ni Uzi kung bakit hindi natuloy ang kasal namin noon?

Ako: wala naman siyang nababanggit eh. Bakit nga ba?

Danna: well, hindi natuloy ang kasal namin ni Uzi dahil noong ikakasal na kami...... ( napatigil sa pagsasalita )

Biglang dumating si Iyuri....

Iyuri: 'andito ka lang pala.

Ako: oh, kala ko ba masama ang pakiramdam mo?

Iyuri: namiss kita agad eh... Tara na?

Danna: sino naman 'yan?

Ako: Danna meet Iyuri, Iyuri siya si Danna wife ni Uzi... O pa'no? Sorry Danna ha we need to go na.

Danna: wife? Hindi nga kami ni Uzi, anyway nice meeting you again, ingat kayo at ako ay aalis na din.. Bye.

Nagkita muli kami ni Danna, pero hindi tulad dati, malaki na ang pinagbago niya, tila isang palaban ngunit mabait pa ding babae ang nakaharap ko. Sa pag-uusap naming iyon, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ang dapat ay sasabihin niya sa akin.... Umuwi kami ni Iyuri sa condo na bitbit ang iniwang katanungan sa isip ko ni Danna. Maging sa pagtulog ko ay dala ko pa din ito. Sumagi sa isip ko na tawagan sa telepono si Uzi ngunit hindi ko na ito ginawa.

Sadyang maliit lang ang mundo para sa aming dalawa ni Uzi, madalas kami magkita ng hindi namin sinasadya ngunit sa t'wing makikita niya ako, umiiwas ito tila hindi niya ako kilala, hindi tulad noon kahit hindi ko siya pansinin siya ang kusang lalapit sa akin. Mas mabuti na rin siguro na ganoon kami, hindi magtatagal at makakalimutan din namin ang isa't-isa. 

Hindi dapat kami ganon ni Uzi, hindi rin dapat kami ni Iyuri, si Uzi dapat ang boyfriend ko at hindi si Iyuri, pero wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin na lang. Dadating ka sa punto na kailangan mong isakripisyo ang pansarili mong kaligayahan alang-alang sa nakararami. Mas mabuti pang ako ang masaktan kesa makasakit ako ng iba. Mabait si Iyuri sa akin, kahit minsan wala siyang ginawa na ikakasakit ko bagkos minahal niya ako. Dapat ko lang din siyang suklian ng pagmamahal.

========================================================================
Isang araw sa aking paglalakad nakasalubong ko si Andrew, isa sa mga naging klasmeyt namin at naging malapit ding kaibigan ni Uzi noon. Dahil wala naman akong gagawin nung araw na iyon, nakipagkwentuhan muna ako sa kan'ya habang nagkakape sa isang coffee shop. Binalikan namin ang ilang masasayang pangyayari noong nasa college pa kami. Tawanan, kulitan at hanggang sa maisingit niya sa pag-uusap namin si Uzi.

Andrew: kamusta na nga pala si Uzi?

Ako: wala na akong balita sa kaniya eh. ( pagsisinungaling ko sa kaniya )

Andrew: gano'n ba? E 'di ba nung nasa college pa tayo, kayo 'tong laging magkasama? Anyway, bakit gano'n 'yun? Hindi na siya nakikisalamuha sa amin, simula nang maghiwalay sila ni Danna.

Ako: naghiwalay? Teka, anong naghiwalay? Nabanggit din sa'kin ni Danna 'yan eh pero hindi niya naituloy sabihin. Anong alam mo sa dalawa?

Andrew: alam mo mabuti pa siya na lang ang tanungin mo. Ito ang address niya........ O sige na kailangan ko na umalis, nagtetext na si misis eh. Hehehhee

Hindi ko hinayaang matapos ang araw na iyon ng hindi nakakausap si Danna. Pagkaalis ni Andrew ay agad kong pinuntahan si Danna sa address na binigay niya sa akin. Nang makatungtong sa kinaroroonan ni Danna ay agad naman ako nitong pinatuloy sa kaniyang bahay. Pinaupo niya ako sa sala at hinainan niya ng cake at juice na maiinom.

Danna: kamusta ka na? Pa'no mo nga pala natunton ang aking lugar?

Ako: nagkita kami ni Andrew kanina at binigay niya ang address mo. Pa'no nga pala niya nalaman address mo at paano kayo nagkakilala ni Andrew?

Danna: napaka chismoso mo naman, siya ba ang pag-uusapan natin kaya ka nagpunta dito? Anyway, naging ex 'yan ng bestfriend kong si Tricia.... About kay Uzi no? Kaya ka nagpunta dito.

Ako: 'di ba nasabi mo hindi natuloy ang kasal niyo?

Danna: ok, ganito 'yan... Ikukuwento ko sa'yo, makinig kang mabuti......
noon pa man alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa ni Uzi. Hindi ko pinapahalata sa kaniya pero nasaktan ako sa nalaman ko. Naging cold siya sa akin noong panahong nalalapit na ang inyong graduation. Mahal na mahal ko si Uzi, gaya mo ayoko ding mawala siya sa buhay ko. Naging bitter ako...... Hindi ko lubos matanggap na sa tagal na naming magkasama since mga bata pa lang kami, eh isang lalaki lang pala ang makakaagaw sa akin kay Uzi. Alam ko malaki ang lamang mo sa akin noong mga panahong iyon, alam ko malaki ang naitulong mo kay Uzi at alam na alam ko din kung gaano mo siya kamahal. Sobra akong natakot na baka isang araw mawala na lang sa akin si Uzi, kaya ginamit ko ang meron ako na wala ka, 'yun ay ang aking katawan, sa madaling salita nagpabuntis ako sa kaniya. Alam ko kung gaano hinangad ni Uzi ang magkaroon ng isang anak kaya ibinigay ko ito sa kaniya.... Dumating ang punto na makikipaghiwalay na sa akin si Uzi. Ayaw niyang aminin sa akin na ikaw ang dahilan kaya niya ako hihiwalayan..... Hindi din totoo na magkasama kami noon habang naghihintay kayo ng resulta ng board exam niyo. Ang totoo niyan, iniwan niya akong mag-isa at sa lola niya siya tumuloy, matagal din kaming hindi nagkita..... Hanggang sa dumating na ang matagal ko ng hinihintay, pinuntahan ko agad si Uzi sa lola niya ngunit pinagtabuyan niya ako. Nakiusap ako sa kaniya na balikan ako pero naging matigas siya. Wala na akong ibang choice kun'di ang sabihin na sa kaniya na nagbunga na ang aming matagal ng hinihintay, ang magkaroon ng aming anak na papalakihin at magdadala ng kaniyang apelyido. Alam kong kapag sinabi ko iyon ay agad itong makikipagbalikan sa akin, ngunit nagkamali ako sa inakala ko. Umuwi ako sa bahay ng umiiyak at dismayado...... Kinabukasan nagulat ako sa aking nakita, binalikan ako ni Uzi at kaniya agad hinaplos ang aking tiyan. Sabi niya bubuo daw kami ng isang malaking pamilya na akin namang ikinatuwa.

Kinabukasan agad itong umalis at nagpaalam sa akin na pupuntahan ka lang daw niya. Noong una kinabahan ako sa pagpapaalam niyang iyon, alam kong mahal ka niya kaya inakala kong iiwan niya ulit ako at babalikan ka. Iyak ako ng iyak hanggang sa makabalik siya.... Pinili niya ako kesa sa'yo, sinabihan ka daw niya na kakalimutan ka na at bubuo na kami ng pamilya.
Nagsama kami ngunit hindi na kami tulad ng dati, alam kong nagkakausap pa din kayo sa telepono pero hindi ko na lang pinapahalata sa kaniya ang nalalaman ko tungkol sa inyong dalawa. Nabalitaan ko ding aalis ka na noon at lilipad papuntang Amerika, alam kong magkikita kayo ni Uzi bago ka umalis. Gaya ng napapanood ko sa mga movies ( biglang napangiti ), napraning ako, natakot ako baka sa pagkikita niyong iyon ay bumuhos ang matinding feelings niyo sa isa't-isa at magkabalikan kayo. Ayaw niyang sabihin sa akin kung saan siya pupunta, pinigilan ko pero ayaw niyang papigil, alam ko noong mga oras na iyon ay gustong-gusto ka niya makita, kaya sa kagustuhan kong pigilan s'ya, naitulak niya ako ng malakas. Hindi naging maganda ang pagkakatulak niyang iyon sa akin, naapektuhan ang sanggol na dinadala ko kaya ako sinugod sa ospital. Hindi naging maganda ang binalita sa amin ng doktor ( tumayo habang nagkukwento, tinalikuran ako at umiyak ), wala na ang bata sa sinapupunan ko. Aminin ko, galit na galit ako sa'yo noong panahon na iyon, ikaw ang dahilan sa pagkawala ng bata na sana ay limang taon na ngayon. Akala ko hihiwalayan na ako ni Uzi dahil wala na ang alas na pinanghahawakan ko laban sa'yo, pero ako pa din ang pinili niya. Hindi daw niya ako iiwan at bubuo pa kami ng isa pa ( napangiti ).
Tinupad niya ang pangako niya sa akin na hindi niya iiwan at magsasama kami sa isang bahay, infairness naman sa kaniya hindi niya talaga ako iniwan, pero hindi pa rin bumalik ang dating Uzi na meron ako noon. Para lang kaming magkaibigan na magkasama sa isang bahay, kahit minsan hindi na siya naging sweet pa sa akin.. Isang taon din kaming nagsama, hanggang sa magplano na nga kami ng aming kasal, ako ang nag-propose sa kaniya ng kasal imbes na siya, 'di ba parang tanga lang? Kung sino pa ang babae siya pa nag-propose sa lalaki? Eh ano naman? ke ako pa 'yan o siya ang mag-propose ang mahalaga ikasal kami. Pumayag siya pero ako 'yung more plano, pero siya, parang wala man lang sa kaniya... Sinabi pa niya sa akin noon ang gawin daw naming wedding song ay "old friend", as if naman hindi ko alam na iyon ang favorite song mo, para ano? Habang kinakasal kami ikaw ang naaalala niya?
Mahal na mahal ko si Uzi, gaya mo ( hinawakan ang aking kamay ) kaligayahan din niya ang aking hangad. Alam kong ilang buwan na din ang nakakalipas noon mula ng makaalis ka ng bansa ay mahal ka pa din ni Uzi, oo Alduce, ikaw ang mahal ni Uzi hindi ako. Itago man niya sa akin ang nararamdaman niya para sa'yo, kitang-kita ko naman ito sa kinikilos niya..... 
Birthday noon ni Uzi, wala akong maisip na pwedeng iregalo noon sa kaniya.... Alam mo ba kung ano ang binigay ko bilang aking panghabambuhay na regalo para sa kaniya? Ang kaniyang kalayaan.... Kinansel ko na ang kasal namin at pinalaya na siya. Masakit sa akin ang ginawa ko pero kung alam kong ikakasaya ni Uzi, ay aking itong binigay ng buong-buo. Sa saya ni Uzi sa regalo ko, pakiramdam ko iyon na ata ang pinakamagandang niregalo ko sa kaniya simula pagkabata namin... Naghiwalay na nga kami at nagpakalayo-layo ako para takasan ang sakit ng nararamdaman. Pero hindi lang siya ang naging masaya sa regalo ko, alam mo bang iniwanan niya din ako ng napakagandang bagay sa mundo at para sa akin pinakamagadang regalong natanggap ko sa buong buhay ko?....
"mama oh! Ang kulit ni Danreb" 

( napatingin sa mga bata na nakangiti ) sila ang regalong iniwan sa akin ni Uzi, kambal sila, si Danreb at si Diana... Iniwanan ako ni Uzi na buntis noon, actually hanggang ngayon hindi niya pa alam na may anak siya sa akin. 'wag mo na lang sabihin sa ngayon, sige ka 'pag sinabi mo baka balikan ako non.. Heheheee ( pabiro niyang sinabi sa akin ).

Ako: ( tumingin sa mga bata na nakangiti ) ang cute naman nila, kamukhang kamukha sila ng kanilang ama.

Danna: naku! Sinabi mo pa.. Hehehhee....

Ako: ( naiiyak ) pero bakit hindi niya ito nabanggit man lang sa akin? Buong buhay ko sa Amerika galit sa kaniya ang bumalot sa emosyon ko. Buong akala ko ay wala akong halaga sa kaniya....

Danna: mahal ka niya, mahal na mahal.... Ayaw lang niyang guluhin pa ang buhay mo... Ayaw niya maging sagabal sa mga pangarap mo. Malaki ang naitulong mo sa kaniya, hindi maikakaila, malaki ang naging parte mo sa buhay niya. Ayaw lang niyang umikot ang mundo mo sa kan'ya lang. Gusto niya someday maging matagumpay ka sa buhay, maging sa ganoong paraan man lang makaganti siya sa kabutihan mo sa kaniya. Pero sa nakikita ko ngayon, mukha namang naabot mo na ang mga pangarap mo, so.... Bakit 'di mo na siya balikan? Wala ng pipigil pa sa inyong dalawa, ikaw lang ang hinihintay niya. Alam mo bang pinapasunod siya ng dad niya sa Canada pero tinanggihan niya ito? Kahit na magandang opportunity na ang naghihintay sa kaniya doon.... Umaasa kasi siyang babalik ka kaya hindi siya umalis ng bansa.

Ako: huli na ang lahat, may bf na ako... Ayokong masaktan siya.

Danna: ayaw mo masaktan siya? Kaya ikaw ang nagpapasan ng sakit ngayon? Alam kong mahal mo pa din si Uzi hanggang ngayon, 'wag mong pahirapan ang sarili mo.. Kung mahal mo si Uzi, ipaglaban mo.. Kung mahal ka din ng bf mo ngayon, ibibigay niya ang kalayaan mo para makasama mo ang totoong mahal mo. Alduce pag-isipan mong mabuti 'yan, 'wag mong hintayin ang oras na pagsisisihan mo ang maling desisyon mo.

Lumabas ako ng bahay ni Danna na punong-puno ng panghihinayang, hindi ko mawari kung maniniwala ba ako sa sinabi niyang iyon o pinapalakas lang niya ang loob ko. Alam ko din sa sarili kong mahal ko pa din si Uzi hanggang ngayon pero napakahirap ng sitwasyon ko, hindi ko pwedeng iwanan na lang basta si Iyuri ng gano'n na lang, naging parte din siya ng buhay ko. Ngayon nararanasan ko ang naranasan ni Uzi noon ang pumagitna sa dalawang taong mahalaga sa buhay mo. 
========================================================================

Nalalapit na ang araw na kailangan na naming bumalik ng Amerika ni Iyuri, pero parang may kung anong pumipigil sa aking pag-alis. Hindi ako tinantanan sa isip ng sinabi ni Danna sa akin na mahal din ako ni Uzi. Nilabanan ko ang gumugulo sa isip ko, buo na ang desisyon ko na bumalik ng Amerika kasama si Iyuri at doon kami bubuo ng aming bagong simula bilang partners.

Nag-ring ang aking telepono.........

Ako: hello, sino po ito?

Uzi: Alduce, ako 'to si Uzi, babalik ka na daw ng Amerika?

Ako: oo Uzi..... Uhm.... Uzi..... Uzi sana 'wag mo pababayaan sarili mo.

Uzi: ( sumisinghot tila umiiyak ) uhmmm Alduce naaalala mo 'yung square na tinambayan natin noon? 

Ako: oo... teka.... Umiiyak ka ba?

Uzi: ako umiiyak? Bakit naman ako iiyak? ( pagsisinungaling sa akin )

Ako: ah gano'n ba? Oh ano meron sa square na 'yun, bakit mo naitanong?

Uzi: gusto ko sanang puntahan eh. Alduce pwede mo ba akong samahan doon?

Ako: Uzi 'di ba napag-usapan na natin 'to? Na kakalimutan na natin ang isa't-isa?

Uzi: an'daya mo naman, pero nung bago ka pumunta ng Amerika 'di ba sabi mo gumala tayong dalawa lang, pinagbigyan kita.

Ako: sige pero last na 'to ha.

Uzi: promise.

Ilang oras ang dumaan ay pinasya kong makipagkita kay Uzi, nagsinungaling ako kay Iyuri na makikipagkita kay Uzi, ang alam niya ay pupunta lang ako sa isang kaibigan.

Uzi: hi, Alduce.. ( nakangiti pero nabalot ng lungkot ang mukha )

Ako: hi, Uzi ( nanabik na makita si Uzi ) may dala ka pa talagang gitara ah.

Uzi: gusto sana kitang kantahan bago ka man lang umalis ( nakangiting sinabi ).

Ako: Uzi, ano ba, tigilan mo na 'yan. ( nainis )

Uzi: ( hinalikan akong bigla )

Sa sandalaing iyon, wala akong nagawa kun'di hayaan siyang halikan ako, matagal na panahon na din nang huling mahalikan ko si Uzi ng gano'n kadiin.

Ako: ( natigilan habang tuloy-tuloy bumubuhos ang mga luha )

Uzi: Alduce, matagal na tayong nagsama noon pero kahit minsan hindi mo'ko naringgan ng I LOVE YOU! Oo Alduce... Mahal na mahal kita. Noon pa man minahal na kita. ( hawak ang tigkabila kong pisngi habang umiiyak ) Alduce makinig ka, ganito kasi 'yun....

Ako: ssshhhhh..... ( pinigilan siyang magsalita ) alam ko na... Sinabi na lahat sa akin ni Danna. 

Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon, isang gabi na binalot ng aming pagmamahalang dalawa, alam kong kataksilan ang ginawa kong iyon pero hindi ko kayang tanggihan si Uzi. Kinalimutan muna naming pansamantala ang aking binitawang salita sa kaniya na kakalimutan na namin ang isa't-isa. Ibang saya ang naramdaman ko na kasama siya, sa maikling pagkukwentuhan namin sa square na iyon pakiramdam ko napawi ng saya ang lungkot na naramdaman namin. Nagkantahan kami, kwentuhan habang nakasandal ako sa balikat niya at tawanan tila bumalik ang dating Uzi at Alduce noong mga college pa kami. Ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari, sinundan pala ako ni Iyuri nung nagpaalam ako sa kaniya. Kitang-kita niya kami ni Uzi na naghahalikan. Wala siyang nagawa kung hindi ang umalis na lang.

Sinundan ko si Iyuri, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang nakita ng kan'yang dalawang mata, imbes na magmadali sa kaniyang paglalakad, kinaladkad ako nito pasakay ng kaniyang sasakyan. Mahigpit ang pagkakakapit ng kamay niya sa aking kaliwang braso nang pwersahan niya akong sinakay ng kaniyang kotse. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumakay na lang at manahimik. Kitang-kita ko sa mukha niya ang galit, ayaw niya akong kausapin bagkus sinisigawan niya pa ako. Sa mukha ni Iyuri noong gabing iyon alam kong galit na galit siya sa ginawa ko, hindi ko kinaya ang sakit ng nararamdaman ko kaya inatake ako ng sakit ko, sakit na simula pagkasilang ko ay nasa katawan ko na. Bukod sa aking pamilya, si Iyuri lang ang nakakaalam na may sakit ako sa puso, huling beses na sinumpong ako ng aking sakit ay noong nasa Amerika pa kami. Sobrang kalungkutan at pighati ang sanhi ng pag-atakeng iyon. Matagal ko ng iniinda ang sakit na ito ngaunit wala kaming magawa. Mayaman ang aking pamilya ngunit ang problema ay walang donor ng puso upang maibsan na ang sakit ng nararamdaman ko... Noong gabi iyon pakiramdam ko ay katapusan ko na, hindi ako makahinga kaya sinugod na ako ni Iyuri sa ospital.
Sa gilid ng ilog, madilim na gabi, tanging kuliglig lamang ang maririnig at tanging liwanag ng buwan at mga bituin ang maaaninag........

-- "Iyuri? Ano ginagawa mo d'yan mag-isa?"
-- "Alduce, halika maupo ka sa tabi ko, samahan mo'ko dito. Naaalala mo noong una tayong nagkakilala? Nakakatawa ka noon hehehee, para kang batang iyakin, pero alam mo sa totoo lang, kahit naiinis ako sa'yo dahil masyado kang emo hindi pa rin kita kayang iwanan. Ewan ko ba, mas matanda ka sa akin ng limang taon pero kung titingnan tayong dalawa parang ako 'yung mas matanda sa'yo. Eh pa'no, ako ang takbuhan mo kapag malungkot ka, ako ang nagpapasaya sa'yo nung nasa Amerika tayo at higit sa lahat ako ang nagtatagnggol lagi sa'yo. Alduce alam mo kung gaano kita minahal, lahat ng hilingin mo sa akin binibigay ko, san ka man magpunta lagi akong kasama mo. Pinagluluto kita lagi, pinagsisilbihan at higit sa lahat minamahal kita ng higit pa sa buhay ko.... Tingnan mo ang mga bituin sa langit, ang gaganda nila noh? Tingnan mo ang isang 'yun, 'yan ang Aquila, ayon sa mga chinese 'yan ang constellation of stars ng love. Ganda 'di ba? Kasing ganda ng mga ngiti sa labi mo..... Kapag wala na ako at pakiramdam mong wala kang kasama at kakampi, tingnan mo lang 'yan at para na rin akong nasa tabi mo..... 'wag na 'wag mo pababayaan ang sarili mo at please lang lagi kang ngingiti ok? Alduce, binibigay ko sa'yo ang buhay ko, wala na akong iba pang maibibigay sa'yo kun'di ito, ito lamang at wala ng iba pa, alam kong kailangan mo nito kaya sana ingatan mo. Mangako ka sa akin na iingatan mo ang puso ko. Alduce mahal na mahal kita, wala akong ibang minahal kun'di ikaw lamang..... Mahalin mo din ang sarili mo, kung saan ka magiging masaya sundin mo.. Hanggang dito na lamang ako Alduce..... Forever ka ng nakatatak sa akin.... Paalam na sa'yo."
--- "iiwan mo na ako? saan ka ba pupunta? Uy.... Uy Iyuri! Sandali! 'wag mo akong iwan!"

========================================================================

Mommy: jusko anak... Buti naman gumising ka na ( hinalikan ang kamay ko habang umiiyak ) belated happy birthday.....

Ako: belated? Tapos na ba ang birthday ko? 'asan si Iyuri? napanaginipan ko siya, Kamusta siya?

Mommy: ( napatingin kay Danna )

Danna: oo tapos na, bakit, gaanong sandali ka lang ba sa inaakala mo ikaw natulog?.... At 'wag ka mag-alala kay Iyuri, and'yan lang 'yun, binabantayan ka noon lagi. ( nakangiting sagot sa akin )

Mommy: anak, matagal-tagal ka ding natulog ah, nakauwi na kami ng Pilipinas ng 'di mo alam, nga pala bubuti na ang pakiramdam mo, naoperahan ka na, may nagdonate na ng puso para sa'yo. ( hinahaplos ang aking buhok habang lumuluha )

Ako: talaga mommy? Siguradong matutuwa nito si Iyuri. ( pananabik kong sinagot )

Mommy: oo anak, matutuwa 'yun sigurado, matutuwa 'yun dahil bubuti na ang lagay mo.

Uzi: hi, Alduce..... Happy birthday sa'yo, Kamusta ka na? 

Ako: Uzi ano pa ginagawa mo dito? Baka dumating si Iyuri madatnan ka na naman niya dito. Magagalit na naman 'yun.

Uzi: 'wag ka mag-alala, alam niyang 'andito ako, siya pa nga nagsabi sa akin na ako mismo magbantay sa'yo eh...... Haba ng tulog mo ah.... Ginawa mong hotel 'tong ospital hehehe.. ( pabiro niyang sinabi sa akin )

Ako: gusto ko siyang makita please Uzi dalhin mo ako sa kan'ya.

Uzi: hindi ka pa pwedeng tumayo, sige ka........ Magagalit 'yun sa akin kapag may nangyari pa sa'yong 'di maganda. Kabilin bilinan nun alagaan kita at higit sa lahat mahalin daw kita. Hehhehehee

Ako: para kang sira.

Uzi: biro lang, pinapatawa lang kita. Hehehe..

Dumaan ang ilang araw......

Ako: 'asan ba kasi si Iyuri? Uzi? Mommy? Danna? Ano? Magsalita kayo..... Antagal ko na dito sa ospital pero kahit anino man lang niya hindi ko nakita. Pakisabi sa kaniya 'pag nakita n'yo, nagtatampo na ako sa kaniya.

Tita Angie ( mommy ni Iyuri ): hi, Alduce... Kamusta ka na? ( parang galing sa pag-iyak )

Ako: Tita Angie? Ayos naman po ako... Tita meron na daw akong donor ng puso ( masayang binalita sa mommy ni Iyuri ) pakisabi na lang po kay Iyuri ha.

Tita Angie: hijo, alagaan mo ang puso mo ngayon ha... Mahal 'yan hehehhee.... Nagmahal ang puso na 'yan, minsan lang nagamit ng may-ari niyan ang puso niya kaya nagtaas ang value. Hehehee.... Sana ingatan mo. ( pabiro niyang sinabi habang may inabot na cd )

Ako: ano po ito? ( pinanood sa laptop )......

"hello Alduce.. Hi..... hello... Hehheheee..... Kamusta ka na? Una sa lahat gusto muna kitang batiin ng maligayang kaarawan.. Hehehhee... Sana sa oras na pinapanood mo itong video na ito ay nasa mabuti ka ng kalagayan. 'wag mo pababayaan ang sarili mo..... ( umiiyak ) alam mong mahal na mahal kita, lahat gagawin ko para sa'yo.... Lahat ibibigay ko sumaya ka lang...... Alduce alam ko si Uzi talaga ang mahal mo, alam ko din kaya ka pumayag na maging boyfriend ko eh para suklian ang kabutihan ko sa'yo, pero hindi mo kailangang gawin 'yun. Kung saan ka magiging masaya doon ka pumunta. Alam kong si Uzi ang magpapasaya sa'yo kaya binibitawan na kita, malaya ka na.... magmahalan sana kayo ni Uzi, pakisabi sa kaniya alagaan ka niyang mabuti at 'wag na 'wag kang pababayaan dahil kapag pinabayaan ka niya lagot siya sa akin.. Hehehhee ( nagbibiro habang umiiyak )..... Alduce please 'wag mo na akong hanapin, hinding-hindi mo na ako kailanman makikita pa, pero 'wag kang mag-alala.... Lagi lang ako sa tabi mo, binabantayan ka at poprotektahan.....nga pala, meron akong gift para sa'yo, isang regalong kailanman ay magagamit mo habambuhay.... Sana ingatan mo ito...... I love you Alduce, mahal na mahal kita...... ( kumaway at nagkiss sa camera )"

Ako: ano ibig sabihin nito??? Ano 'to??? ( tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha )

Uzi: ( hinawakan ang aking kamay ) Alduce, malala na pala ang sakit mo sa puso hindi mo man lang sinabi sa amin. Nung gabing dinala ka ni Iyuri dito sa ospital kritikal ang lagay mo... Hindi na kaya ng gamot na ibsan pa ang sakit mo, kailangan mo daw makahanap sa lalong madaling panahon ng donor ng puso. Hindi gano'n kadali maghanap ng donor... Sino nga namang tao ang magbibigay ng kaniyang puso para sa iba... noong gabing iyon nilapitan ako ni Iyuri... Ibinilin ka niya sa akin... Ibinigay ka na niya sa akin.... Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Iyuri nung gabing iyon, hanggang sa nabalitaan na lang namin na sinugod siya dito sa ospital na duguan... Kritikal ang lagay niya.. ilang araw din siyang namalagi dito, buhay pa siya pero nasa stage na siya ng pagka-comma... Dinikleyr na ng doctor na brain dead na si Iyuri... Bago siya maaksidente, binilin niya na...... ( napayuko )

Ako: binilin niya na..... Ano??? Ituloy mo. ( nangingiyak )

Uzi: binilin niya na ibigay sa'yo ang puso niya sa oras na may mangyari sa kaniyang hindi maganda para mabuhay ka lang. talagang sinadya ng tadhana na ma-comma siya para magamit mo ang puso niya. Mahal na mahal ka ni Iyuri Alduce. Ikaw pa din ang inisip niya hanggang sa huling sandali niya dito sa mundo.

Tita Angie: binigyan pa namin ng isang linggo para magising sa pagka-comma ang anak ko, ngunit parang sinadya niya na talagang 'wag magising para ibigay sa'yo ang karugtong ng buhay niya.. Alduce nakiki-usap ako sa'yo ingatan mo ang puso ng anak ko. 

Ako: Iyuri......... ( hindi makapaniwala ) sabi mo d mo ako iiwan ( bulong ko sa aking sarili )

Uzi: nandito pa ako, hinding-hindi kita iiwan tulad ng ipinangako ko kay Iyuri, pupunan ko ang pagmamahal na hindi na maibibigay sa'yo kailanman ni Iyuri. ( niyakap ako ng mahigpit )

========================================================================

Isang taon ang makalipas, sa puntod ni Iyuri......

Ako: hi, Iyuri kamusta ka na? Ako ito... okay naman ako.... ( biglang napaiyak ) Iyuri birthday ko na ulit, sayang nga lang wala ka pero maraming-maraming salamat sa regalo mo ha, ito na ang pinaka magandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko. Parehas na kami ni Uzi na nakatanggap ng pinakamagandang regalo sa buong buhay namin. Kung si Uzi natanggap niya ang kaniyang kalayaan galing kay Danna, ako naman dinugtungan mo ang buhay ko. Salamat sa inyong dalawa ni Danna... Utang ko sa'yo ang buhay ko, wala ka namang kasalanan sa akin pero 'di ko alam kung bakit kailangan mong sapitin pa ito, I'm really sorry, sana mapatawad mo ako. kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka na din tulad ko..... Hinding-hindi kita makakalimutan.... Mahal kita Iyuri alam mo naman 'yan 'di ba...... Nga pala sa makalawa na ang flight namin ni Uzi papuntang Amerika... Doon na kami titira... Salamat ulit ha.... Paalam na sa'yo aking old friend hehehhee.. ( masayang nagpaalam sa puntod ni Iyuri )

Uzi: Iyuri, hindi man kita lubos na kilala pero iisa lang ang pagkakaalam ko sa'yo, napakabait mong tao.... salamat sa pagmamahal na binigay mo kay Alduce, nangangako ako sa harap ng puntod mo na aalagaan kong mabuti at mamahalin magpakailanman si Alduce... paalam na sa'yo Iyuri... hindi ka namin kailanman makakalimutan. 

Matapos ang isang taon sa buhay ko, madami na ang nagbago. Hindi na ako sinumpong pa kailanman ng aking sakit pero hindi ko pa din ito pinabayaan. Salamat kay Iyuri... Nalaman na din ni Uzi na may anak siyang kambal kay Danna, ito nga at kasama namin sina Diana at Danreb sa Amerika eh, kami na ni Uzi ang magpapalaki sa kanila. Busy na kasi sa trabaho si Danna at malapit na din siyang ikasal sa kaniyang boyfriend kaya hinabilin na niya ang dalawang anak niya sa ama nila. Ang kukulit nga ng dalawang bata eh, tawagin ba naman akong mommy Alduce? Hehhehee..... Kami naman ni Uzi, ito masaya na kaming parehas, nagmamahalan at nangakong hindi namin iiwan ang isa't-isa, Sa Amerika na kami titira kasama ng dalawang anak niya at doon kami magtatayo ng aming business.

Lahat ng magagandang nangyari sa buhay ko ay nagsimula lahat sa U, pagkakataon nga naman.... Hindi ko malilimutan ang unibersidad kung saan kami nagkakilala ng aking mahal... Ang unit kung saan kami tumira, ang Umin square kung saan kami madalas tumambay, sa Utah sa bansang Amerika ko din nakilala si Iyuri at syempre ang pinakamahalagang u sa buhay ko ay walang iba kun'di si Uzi... Lahat ng ito ay nagsimula sa u at sana dito na rin matatapos........ Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay sa aming storya nila Uzi at Iyuri.. Hanggang dito na lang.  -Alduce

Finale......

Salamat po sa lahat ng bumasa ng  "IT ALL STARTED WITH U"  simula part1 hanggang finale... sana nagustuhan niyo po ang kwento... more stories to come, sana suportahan niyo po ulit... salamat po.
-enamorado32

UNFOUNDED LOVE

Author: rhadzjan

Sometimes, we think that love has to be reciprocal. That, if we are in a relationship with someone, everything should be equal. But that mentality is wrong. LOVE isn’t give and take, but rather, give and give…  Remember, Mother Theresa was once asked to define Love, and her answer was, “Love is giving until it hurts.” So, don’t hurt yourself if you think you gave it all and the other gave only half, ‘coz in the end, at least you can say, “I love more.”

LIHIM NG ISANG PANGIT


Author: enamorado32

Sa mundong ito dapat lahat ng bagay ay maganda, lahat ng gagawin natin dapat maganda, ugali din natin dapat maganda, ngunit pati ba istura ng tao ay dapat maganda? Ang bagay na meron ka na hindi maganda ay ating pinapalitan, ang hindi magandang ugali ay kinaka-ayawan, ngunit ang hindi magandang mukha ano kaya ang ginagawa sa kanila? Hmmmmm......

IT ALL STARTED WITH U part 2


Author: enamorado32

Iyuri: pero aminin mo, mahal mo pa s'ya 'di ba?

Ako: 'di na uy! Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, sa tingin mo mahal ko pa din siya hanggang ngayon? Atsaka limang taon na 'yun baka nga isang malaking pamilya na sila eh.

Iyuri: ok sabi mo eh. Bilisan mo na mahuhuli na tayo sa flight natin.

Ako: ( walang imik )

Iyuri: Alduce, ayos ka lang ba?

IT ALL STARTED WITH U


Author: enamorado32

Ako si Alduce, masayahin at palakaibigang tao. Mahilig ako kumanta dahil musika ang aking hilig. Ikalawa at bunso ako sa aming dalawang magkapatid. Lumaki ako sa may-kaya ngunit hindi buong pamilya. Nasa sinapupunan palang ako ng aking ina ng mangibang bansa ang aking ama upang doon magtrabaho. Minsan lang sa limang taon kung umuwi ng bansa ito, tanging si ina lamang ang aming kasama at nagpalaki sa amin ni ate, ngunit bihira lang din namin makita sa buong araw si ina dahil busy din siya sa pagpapalago ng aming negosyo. Bagamat busy sa aming business ang aming ina, naibibigay naman niya ang materyal na bagay na hingin namin. Laki ako sa luho, lahat ng magustuhan ko madali ni mommy binibigay, aniya doon na lamang daw siya makakabawi sa oras na kulang niya sa amin. Kahit ganoon ang aming sitwasyon, hindi naman ako nagkaroon ng tampo o hinanakit sa aming mga magulang.

ISANG BOTENG GIN


Author : bebmoko

Ang pag mamahal minsan ko ng pinag laruan, minsan ko ng binalewala at minsan ko ng kinalimutan.  Sa murang isip ko pa lamang tumatak na sa akin ang tunay na anyo ng buhay, ang tunay kulay nito.  Malabo at madilim.  “Pu#@$% mo! Lumayas ka dito batugan ka hayup!” bungad ng aleng payat na hinahabol ang asawang animo ay kagagaling lang sa inuman. “Tang$#%^#@ mo letse kang bata ka! Maligo ka na at pumasok magtatambay ka nanaman sa bilyaran!” sigaw naman ng ina sa anak na nag bibihis papasok sa pampublikong paaralan.  Me umiihi sa poste, batang naglalaro sa sariling dumi at mga daga at ipis na animoy namamasyal sa Manila Zoo.  Yan ang aking mundo, ang eksena sa lugar na kinalakihan ko, ang squatter….

CHOKOLATE ( ANG PAGBABALIK ) part 2


Author: nadkid

December 2013

""""Yaya! Pahanda po ako ng pagkain..."""" pagod na pagod na pagsasalita galing sa basketball. Pagkatapos ko pumunta sa kusina para uminom ng tubig, ay umakyat na ako para maligo.

Nang maka akyat na ako, binubuksan ko yung pinto pero ito'y naka lock, dahil na rin sa pagod, at inis dahil talo sa laro... sumigaw ako """"Yaya! Susi po!"""" Agad namang kinuha ni ate rose(yaya) yung susi. Bumaba ako para kunin sa yaya ko yung susi, nang nakita ko na parang ang weird niya, tahimik, na nakangiti.

""""Yaya, okay ka lang ba?"""" Tanong ko. """"Oo okay lang ako, nagluto na si--- este nagluto na ako ng pagkain para sa inyo. Mamaya pa dadating ang mama at papa mo. Ang mga kuya mo naman ay mag oovernight sa kanilang barkada, kakatawag lang nila kanina"""" sabi naman ni yaya... ""Sino yung nagluluto ngayon?"" Nagtataka... """"Ako yung nagluluto, sige sige, maligo ka na, at baka nasunog na ang niluluto ko."""" Sambit naman niya. """"Ahh ganun po ba, sige ho at ako'y maliligo muna at bababa na rin para kumain."""" Tugon ko naman.

Umakyat na ako, sinubukan ko ulit buksan yung pinto. Kinabahan ako, dahil hindi na siya lock. Hawak ko pa rin yung susi, nanginginig ang aking mga kamay... nang pag kabukas...
""""aaaahhh!!! P*ta! Lance? Ikaw ba yan?""""

Nagulat ako nun, at naibato ko yung susi sa mukha niya, nakaluhod siya nun kaya mukha ang natamaan ko. Gulat na gulat, kabadong kabado at natahimik nalang ako bigla nang mga sandaling iyon.

Ayun na nga, dahil sa pag kakabato ko, natamaan ko yung kanang mata niya, kaya lumapit ako, nag aalala. Habang kinakamot niya yung mata niya, na nakayuko... Hinawakan ko mukha niya, hinarap ko sa akin...

A: Ikaw nga!!!!

Oo nga, si lance nga, mas napagmasdan ko yung mukha niya nang malapitan... Mas maputi, mas tumangkad, at mas gumanda ang pangangatawan na parang model at isang artista.

L: Oo, ako nga kidd, musta ka na? Miss na kita!
*Sabay yakap*

A: Sorry talaga kuya! Nabigla lang ako kanina! Ok ka na ba?

L: Oo, medyo makati lang, pero ok na ako, wag ka mag alala.

A: Namiss talaga kita kuya!!!!
*Mas mahigpit na yakap, at parang mapapaiyak ako sa tuwa*

L: Wag ka iiyak kidd! Hahaha! Yan ba ang isasalubong mo sa akin? Haha. Biro lang..."" 
*Pilit kong hindi mapaluha pero hindi talaga kaya*

Aaminin ko po talaga, sino ba naman kasi ang hindi matutuwa na makita mo ulit yung taong nagbago ng buhay mo. Diba?
Back to the story... 

Naramdaman ko nalang bigla ang isang mariin at swabeng swabeng mga halik galing sa kanya... """"Sabi kong wag kang iiyak ehh! Hahaha! Tahan na kidd, andito na ulit ako, eto chokolate, haha, hindi ko talaga makakalimuntang ibigay yan sayo""""
""""Salamat kuya"""" sabi ko naman. *sabay halik sa pisngi niya*

Nahiya ako bigla nang maisip ko na pawisan ako galing sa basketball. Tumayo siya, at tinulungan din akong tumayo. Sabi ko nalang na ako'y maliligo muna at siya'y bumaba na, para kumain.

Pag katapos ko maligo, mag toothbrush, mag deodorant at mag bihis ay bumaba na ako, daig ko pa ang aso sa sobrang excited makita ang amo niya. Ayun nga mabilis akong bumaba ng hagdan, pero bigla akong napatigil at bumagal sa aking pag lalakad... """"Nad! Kamusta ka na? Lance! Tara na kain na tayong tatlo. Masarap pa naman ng aking luto. Gusto ko kayong mga anak ko ang unang maka tikim dito."""" Yun ang nag pa bigla sa akin, ang tinig ng mama niya. Una'y akala ko, masungit ang mama niya, pero hindi pala...

Habang nasa hapagkainan, nagkamustahan muna kami... Dun ko nalaman na ipagpapatuloy ni lance ang pag aaral niya dito sa pinas, mag aaral siya kung saan principal ang tita niya. At dito siya gragraduate... Nalaman ko din na kaya pala sila bumalik dito sa pinas, ay dahil sa tatay niyang, lasinggero, sugarol, at nambubugbog. Nabanggit din ng mama niya na, tawagin ko nalang daw siyang 'tita' dahil parang anak na din daw ang turing niya sa akin. Hindi daw siya tutol sa ugnayan namin ni lance dati, bagkus, ay tanggap pa rin niya kami dahil yun daw ang tama at wala na siyang magagawa kahit pag balik baliktarin man ang mundo. Lawyer nga pala ang mama niya, payag siya sa ""gender equality"" sa US at sana daw matupad iyon dito sa pinas... Namana siguro ni lance ang katalinuhan niya sa mama niya. Ayaw lang ng mama niya, ng nag sisikreto sa kanya. Napakasaya palang kausap ng mama niya, parang barkada lang. Haha. Pero ganun ka gaan ang pakiramdam ko sa kanya nang mga oras na iyon...

Maya maya ay dumating na sila mama at papa, nagkita nanaman ang magkumare kaya tuwang tuwa nanaman ang isa't isa nang magkita. Napagalaman ko din na dito daw matutulog sila lance pati si tita sa bahay. May halong SAYA at HIYA ang aking nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Umakyat ako ng kwarto nang naka ngiti, binuksan ko yung pinto nang nakangiti, at himiga ako nang nakangiti, nag palundag lundag ako sa kama sa sobrang saya na parang nababaliw.

Natahimik ako nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako agad, at pinag buksan ang kumakatok...

A: Oh! Kuya lance, mali ka ata ng napuntahan mong kwarto, sa dulo pa yun...
*Medyo na stuck pa ang mga todo ngiti ko simula kanina*

L: Oh, kidd. Uhmmmm. Ahhhhh. Gusto ko lang talaga magsabi ng goodnight sayo...
*Medyo awkward*

A: Ahh... Ganun ba? Hehe, ok, goodnight din kuya.

L: Nga pala, bakit kanina ka pa todo ngiti? Haha.

A: Hindi ahh.... Masaya lang talaga ako... ikaw din naman ehhh...

L: Ahhh. Hahaha. Sige goodnight na nga kidd.
*Sabay halik sa noo ko*

Halatang halata din kay lance yung ngiti niya kanina pa, dahil pinagmamasdan ko siya nun... Nag toothbrush ako bago matulog... pagkatapos ay diretso higa na ako sa kama, pilit kong pinapatulog ang sarili ko dahil sa pagod, pero hindi ako makatulog.

Lumipas ang mga minuto... Oras...

""""10:00PM na, matulog ka na kidd..."""" sambit ko sa sarili ko pagkatapos tumingin sa orasan.

Lumipas ang minuto, may narinig akong kumatok at pumasok sa kwarto ko, tumayo ako sa pag kaka higa at nakita ko si lance, may dalang unan...

A: Oh! Kuya! Bakit? Ano kailangan mo? Kailangan mo ba ng kumot? Unan? Ano?
*tuloy tuloy na tanong ko sa kanya*

L: Haha easy ka lang kidd...
*Sabay hawak sa buhok ko at ginulo na parang bata*

L: Mag isa kasi ako sa kwarto ehh, di ako makatulog, nasa baba pa si mama, nakikipag kwentuhan pa ata sa mama mo. Pwede bang dito nalang ako matulog?

A: OO NAMAN! *agad agad kongs sinabi* Este, pwede naman... pero paano mama mo?

L: Okay lang siya dun, nga pala, bakit namumula ka?

A: Ha? Hindi ahh hindi kaya... Eto talaga, yan lagi panlaban mo sa akin ehh.

L: Hahaha. Binibiro lang kita
*Sabay akbay*

Humiga na rin kami sa kama, nahihiya, pero sobrang saya, katabi ko siya sa kama. Matutulog kaming mag katabi. Hahaha. Kakilig... 

Hinalikan niya yung noo ko ""Goodnight ulit kidd"" ""Goodnight din kuya"" Tumalikod na ako sa kanya, nang bigla akong may naramdamang yakap galing sa likod ko... sino pa ba, edi si kuya lance na sobrang kulit pero sweet. Nakatulog na din ako sa wakas. Mahimbing ang pag kakatulog ko nang mga oras na iyon...

Gusto ko po talaga magpasalamat sa lahat ng nag comment at mag cocomment sa aking kwento... Na aapreciate ko po yung mga sinasabi niyo...
Abangan niyo po yung susunod na kwento... at sana po magustuhan niyo po ito at sa mga susunod na kwento... Salamat po ulit...
-nadkidd"

ESTOY ENAMORADO ( I'm In Love ) part 2


Author: enamorado32

Bata pa lang ako pakiramdam ko celebrity na ako, paano ba naman andon 'yung pagkakatuwaan ka ng mga tao sa paligid mo.... Dahil isa akong batang mataba, maya-maya pisilin ang pisngi ko, kurot-kurutin ang bewang at yakapin na parang Tedy bear. Halos lahat ata ng makasalubong ko noon gusto pisilin ang pisngi ko. Tawag nga sa akin noong bata ako ay "papa bear" eh papa dahil pangalan ko ay Pope at bear naman kasi mukha daw akong Tedy bear.

BEKILYN ( A Beki Figure )


Author: enamorado32

Ayon sa bibliya, nang ginawa ang lalaki ay humugot pa ang Diyos sa tadyang ni Adan para magkaroon ito na makakasama, isang babae at ito nga ay si Eva. Sabi nila tanging lalaki at babae lamang ang nilikha ng Dyos. Ginawa ang lalaki para tagapag taguyod ng kanyang magiging pamilya at ang babae naman ay ginawa upang magdala ng magiging supling nila sa kanyang sinapupunan. Paano kung hindi lang pala sina Eva at Adan ang nilkha kundi may isa pang Bekilyn ang lumitaw? Ano kaya magiging papel ni Bekilyn sa mundo? Ako si Gigi at ito ang tunay na kwento ng aking kaibigang isang beki figure na si Lyndo.

ESTOY ENAMORADO ( I'm In Love )


Author: enamorado32

Ako si DINORADO AMORSOLO, baho ng pangalan ko no? Pero pwede n'yo naman akong tawaging Dindo pero ang tawag sa amin dito ay Ding. Ito ang aking diary, ang baduy ko no? Walang pakialamanan, kanya-kanyang trip yan Hehhee . Lumaki akong walang magulang tanging yung umampon lang sa akin ang nagpalaki sa akin. Ako ay kasalukuyang nasa kolehiyo at kumukuha ng kursong electrical engineering sa isang unibersidad sa Maynila bilang skolar. Mahirap lang buhay ko. sa

LONG DISTANCE FRIENDSHIP ( LDF )


Author: bebmoko

“A friend is one who knows you and loves you just the same” --- Elbert Hubbard

“Mokong musta na? Ano na balita sau? Di ka nag online kahapon?” Sunod sunod na tanong ni Mike sa kaibigang si Dan. “Loko ka talaga di ka man lang nag IM”, palibhasa magkalayo sila ng lugar bihira makapag usap lagi lang dinadaan sa IM o Skype, nasa Pilipinas si Mike at nasa Italy namna si Dan. “Hahaha ok lang ako, Adik.  Medyo busy lang sa trabaho. Alam mo naman kailangan kumita ng pera.” Sagot naman ni Dan…. 

DISCLAIMER: All videos posted in this site were downloaded from other internet sources on web and were edited for a copy version of Tambayang Lonely Boys, some of these videos including embedable script are just shared and submitted by regular viewers and visitors through email. We do not claim copyrighted ownership on this. If you are concerned about copyrighted material appearing in this website, we suggest that you contact the Site Administrator to have it remove from here.

All the stories Posted in this site are made by TLB resident blog authors while some are made by individuals who shared the same experiences. Some of the stories posted on this site are fictional and some are based on real life experiences. We don’t own any of the stories unless specified . This is intended for entertainment purpose only.

Widget by : All Blogging Tips

CHAT ROOM

 
BLOG ADMINISTRATORS : POLCalifornia | Loverbench
Copyright © 2014. TLB - All Rights Reserved
Website Owner/Tech. Admin.: REGIE
Template Created by TLB Tech. Group Published by TLB Proudly powered by Blogger